Single again

First day ng pagiging single mo ulit, regardless ikaw ang nakipag break, ikaw ang brineak o nagkasundo kayo mag hiwalay na… medyo kakaibang pakiramdam itong araw nato. May mga oras na maiisip mo na kumusta na kaya sya, ok lang kaya sya, naiisip ka din ba nya.  May mga bagay na mag papa alala sayo ng mga nangyari sa loob ng relasyon nyo, masama o mabuti man. 

Pwedeng masaya ka ngayon, dahil nakatakas ka na sa relasyong nag papahirap sayo, at pwede din namang malungkot dahil naiwan ka sa akala mong relasyong para sayo. Kung ano pa man, siguradong kakaiba ang mga susunod na araw sayo.

May lungkot na dala ang bawat break ups, ikaw man yung naiwan o nang iwan. Mag mo move on kana ba? Makiki mingle naba agad? Mag mumukmok? Mag papaganda o mag papa pangit para sa simpatya ng tao? 

May marka sa buhay natin akg bawat relasyon, hindi natin pwedeng sabihin na hindi tayo maapektuhan nito sa future natin. Bawat break ups may trauma. Pwedeng maging mailap kana sa tao o maging mas mapili.  Ayaw mo na kasing mag fail ang next na relationship mo.

Sino nga ba naman ang ayaw ng love life? Kahit ang pinaka babaerong lalaki o pinaka malanding babae eh nag hahanap ng some one kung saan bubuo sya ng fantasy. 

Sa mga taong galing sa break up, take your time, huwag ka muna mag hanap ng ipapalit sa emptiness. Huwag kang maghanap ng band aid na itatapal sa sugat mo. Let it heal, kawawa naman kasi yung next na makaka relasyon mo kung magiging taga ayos kang sya ng buhay mo diba?

Look back, ano ba ang naging mali? Ano ba ang part mo sa mga maling nangyari? Namnamin mo lahat para matuto ka, tandaan mo lahat. Para sa susunod na relasyon mo mas maayos na. Mas kaya mo na. Hindi imposibleng maramdaman ang magic ng forever kung sa susunod na relasyong papasukin mo eh isasa alang alang mo lahat ng mga naka raang relasyon mo. ❤

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s