Bad Relationship

Mahal mo, minsan iniisip mo kung paano ang buhay pag wala sya.  Kaso lagi na lang may problema, madalas hindi magka sundo. Di man nag aaway o nag sasagutan, pero nakaka sama padin ng loob. O kaya yung iba naman napupunta sa mga manloloko o pwede din naman na napasubo ka sa relasyon kaya ka napasok.  Madami yan eh, pero kung ano pa man yan, basta paulit ulit ang pinag tatalunan, kapag lagi na lang sumasama loob mo, bad relationship yan. 
So na so solve ba ito? Kaya ba natin itong gawing good relationship? Hindi naman natin masasabing na sosolve, siguro yung iba kaya nag tatagal, kase nag tyatyaga na lang yung isa , nag paparaya ba. Dimo naman kasi pwedeng sabihin na mahal na mahal nyo isat isa eh kaya kayo nag hohold on.  Oo pwede yan, pasensyahan, pero ang bad relationship pumapatay ng love yan.

So paano mo ba masasabi na nasa bad relationship ka? Baka naman akala mo bad yan pero OA ka lang pala. Syempre hindi naman porke away kayo ng away eh bad na yan.  Ang una at pinaka madalas na bad rekationship siguro eh yung infidelity

Babaero o malandi ang kapartner mo, nahuli mo na minsan pero dipa din nag babago. Yung unang huli mo nga nawalan ka na ng tiwala eh. Tapos nakahinga ka lang ng konte inulit na naman.  Iwan mo na yan. Hindi mag babago yan, kahit lagi pa nya nabibigay lahat ng gusto mo, sa huki hindi kapa din sasaya. Ang nasakit, baka sa huli pati respeto mo sa sarili mo mawala na.  Hindi talaga makukuntebto sayo yan kahit kailan. Ang masama pa, tiis ka ng tiis tapos baka ipagpalit kapa sa iba. Sinayang mo lang ang oras mo. O kaya eh baka mag ka ibang pamilya pa, dagdag problema pa lalo.  So bat ka mag tyatyaga? Hihintayin mo pa ba na mas lumaki pa problema mo?

Incompatibility, na a ayos ba yun? Paano kung hindi lang kayo magkasundo sa movies, food , pets etc. Kung minor lang, wala yan. Nag kataon lang na mag kaiba kayo ng hilig, pero sure naman minsan nag bibigayan kayo eh, lalo na kung may love. Ang incompatibility eh yung hindi kayo pareho ng standards sa buhay. Standards ha, hindi preference o choices. Halimbawa, yung isa magarbo, yung isa simple, di pwede yan. Lagi kayo mag aaway nyan. Baka ultimo eskwelahan ng magiging anak nyo pag talunan nyo.  Yung isa reserve, yung isa care free. Lagi lang magagalit ang reserve at lagi lang mag rerebelde yung care free. Ang masakit pa nyan yung mga away nyo eh hindi pwedeng mag bigayan. May magbigay man.malamang durog naman ang puso ng nag bigay.

Na trap o napilitan. Ito yung hindi naman sya pasok sa quality na hinahanap mo pero bat naging kayo? Siguro napa saya ka nya nung panahong malungkot ka, siguro natulungan ka nya sa kung ano mang paraan.  Kaya kasi tayong bulagin sa una ng mga good deeds eh. Pero paano pag naka recover kana sa lungkot or na solve mo na problema mo? Tapos bigla kang may nakilala na gusto mo, ang problema eh disente kang tao sa hindi mo naman magawang mag two time. So tiis tiis na lang ba?

Ang masasabi ko lang eh hangat maaga, humiwalay ka.  Hangat buo ka pa, hangat kaya mo pa mag move on. Maniwala ka o hinde, may mga taong nagsise kaso huli na. Nag karoon na sila ng anak, medyo isinasa alang alang na lang yung anak.  Yung iba naman natatakot na baka wala na silabg makita o baka wala ng mag tyaga sa kanila.  Huwag kayong matakot, bilyon ang tao sa mundo, baka wala pa nga sa isang libo ang personal na kakilala nyo.

Hangat hindi mo tinatangap ang katotohanan sa buhay mo, habang buhay ka ng nasa masamang relasyon. Ni hindi mo nga alam kung buhay kapa bukas eh.  Gusto mo bang mamamatay ka na lang nag sisisi kapa kasi dimo nagawang maging lubos na masaya.

Iba man ang ibig sabihin para sa akin ng love.  Pero karamihan ng tao dyan umiikot ang mundo.  Lakasan mo ang loob mo,  ilavay na nating mabalik ka sa pagiging single.  Pero ito ang isipin mo, mas mabuti ng mabuhay mag isa kesa may kasama pero araw araw malungkot ka.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s