Stressful Ex

Madaming ganito, mga hindi maka move on sa buhay, mga ex na lagi isisiksik sarili nila para mapansin.  Hindi nila alam na mas lalo lang nila pinapalayo ang sarili nila sa taong gusto nila. Huwag maging bad ex bf/gf.  Bigyan mo ng space ang ex mo. Minsan pa itong mga ito mag dradrama, masama paki ramdam, malungkot, etc etc para mapansin mo. Pag naawa ka at pinansin mo ng konte magiging demanding naman. Pag tinaboy mo ikaw pa may kasalanan, sasabihin pa sayo na wala syang value sayo at kokonsensyahin ka.  Mga manipulator ang mga taong ito. Stalker din sila, lagi nila titingnan kung naka move on kana. Pag papahingahin ka lang nila ng ilang araw tapos guguluhin ka ulit. Ka stress diba? Hahaha!
So paano sila iiwasan? Una, kailangan mong maging cold and heartless, oo na alam ko ma awain ka. Na aawa ka lalo na kung ikaw ang nang iwan or nagiging polite ka lang.  Pero isipin mo na obssesed na sayo ang taong ito. Guguluhin ka talaga nyan. Na aawa ka sa kanya pero sa sarili mo hinde? So maging heartless ka muna.

Huwag ka mag alala, magkakabati din naman kayo pag malinaw na utak nya at naka move on na sya.  So paano ba yung heartless na yun? Una i block mo sya sa mga social networks, hangat maari pati mga friends nya i block mo. Tapos mag tiis ka muna na private ang acct mo. Pag psycho yan. Gagawa yan ng fake acct kaya mag ingat din.

Next step ay i block sya sa phone. If wala ka blocker sa phone. Palitan ang name nya ng “huwag sagutin” at sana wag mo nga sagutin, kahit mag txt pa sya na mag papakamatay sya, bayaan mo. 1%lang ang chance na gagawin nya yun.

Huwag sumagot ng hindi kilalang calls. I txt mo who u? Pag di nag reply, malamang sya na yun. If sinabi nya na sya yun. Save number ulit at name it “huwag sagutin 2”

Sa mga gatherings na may common friend kayo. Maging smart sa pag sagot sa mga tao. Lumilipad ang balita. Ipakita mo sa kanila na ayaw mo na talaga.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s